Lusot na sa committee level sa Kamara de Representates ang kontrobersyal na panukalang TRAIN 2 bill.
Ito ay matapos na ma-consolidate ng binuong technical working group at ilang opisyal ng Department of Finance ang labing dalawang tax proposal sa pulong noong nakaraang Sabado at Linggo.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Quirino Representative Dakila Cua, tatawagin ang panukalang package 2 ng TRAIN law bilang “trabaho” o tax reform for attracting better and high quality opportunities o trabaho.
Layon ng TRAIN 2 ang ibaba ang corporate income tax at i-rationalized ang fiscal incentives sa mga negosyante.
Magugunitang, ipinahayag ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magiging prayoridad ng kanyang liderato ang pagsusulong sa TRAIN 2.
(Ulat ni Jill Resontoc)