Nakatakdang pigilan ng Makabayan Bloc ang pag-arangkada ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ng administrasyong Duterte.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, anumang araw sa susunod na linggo ay maghahain sila ng petisyon sa korte para kuwestyunin ang naging proseso ng pagkakapasa nito at ilan sa nilalaman ng naturang batas.
Aniya, naratipikahan ang TRAIN bill sa Kamara noong Disyembre 13 sa kabila ng kawalan ng quorum.
Sa kabila ng paghahain nito sa SC, naniniwala si Tinio na ang huling may say sa isyu ay ang taong bayan at malalaman ito sa eleksyon.
—-