Tiwala ang Malakanyang na nakatulong ng malaki sa muling pagtaas ng satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nilagdaan nitong TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion Act.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, mararamdaman na ngayon ng mga Pilipino ang kanilang mga kinikita dahil sa maka-mahirap na sistema sa pagbubuwis
Nasa siyamnapung porsyento (90%) ng mga obrerong pinoy ang kung hindi bumaba ay wala nang babayarang tax sa kanilang kinikita sa buong taon.
Libre na rin anya ang matrikula sa mga SUC’s o State Universities and Colleges at madaragdagan na rin ng dalawandaang (200) piso kada buwan ang ipinamamahaging CCT o Conditional Cash Transfer sa mga mahihirap.
(Ulat ni Jopel Pelenio)