Bumagsak sa karagatang bahagi ng Barangay Sinuruc, Zamboanga City ang isang maliit na eroplano matapos makaranas ng problema sa makina.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) area manager Antonio Alfonso, nawalan ng komunikasyon ang isang training aircraft na RP-C834, ilang minuto lamang matapos itong mag-take off sa Zamboanga Airport kaninang 9:35 a.m.
Aniya, nakaranas ng problema sa kaliwang makina ang nabanggit na eroplano dahilan kaya’t napilitan ang mga piloto nito na mag-crash landing sa katubigang bahagi ng Barangay Sinuruc.
Dagdag ni Alfonso, ligtas naman ang dalawang piloto at dalawang sakay ng eroplano na patungo sanang Dumaguete city —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45).