Isinusulong ng gobyerno ang pagkakaroon ng Philippine Railway Institute para magsilbing training center sa mga empleyado sa public railways.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nakikipag-usap na siya sa JICA o Jican International Cooperation Agency para sa pagtatayo ng nasabing institute.
Nagsisimula na aniya silang bumuo ng curriculum gayundin ng mga istruktura na bubuo sa naturang institute na magbibigay ng world class training para sa pagpapatakbo ng riles, paano mag-operate, paano mag-maneho o paano maging customer service oriented.
Magugunitang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa kaniyang priority projects ang pagtatayo ng railway systems sa Luzon at Mindanao.
By Judith Estrada – Larino