Siyam (9) katao ang patay habang 36 ang sugatan sa pag-atake ng mga armadong lalake sa isang agriculture training institute sa Peshawar, Pakistan.
Ayon sa ulat, walo sa mga nasawi ay mga estudyante habang ang isa ay ang mismong attacker.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng mga salarin ang naturang training center kung saan ay nagpasabog muna ang mga ito bago walang habas na namaril.
Narekober sa lugar ang gamit ng mga salarin gaya ng suicide vests, tatlong granada, dalawang bomba at isang baril.
—-