Hindi pa nakukumpleto ang training ng Gilas Pilipinas para sa 5th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Gilas Head Coach Chot Reyes, halos kulang pa ang training ng koponan dahil wala umano sa Pilipinas ang mga overseas players.
Nabatid na ngayong araw darating ang magkapatid na sina Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, maging sina Dwight Ramos at Bobby Ray Parks Jr. na mga naglaro sa Japan B. League kamakailan.
Nasa Australia naman si Kai Sotto kung saan, hanggang ngayon ay naghihintay parin sa kaniyang Jordanian visa.
Nabatid na maglalaro pa muna si Sotto sa huling laban ng adelaide 36ers sa November 5 bago ang international break ng NBL.
Iginiit ni Reyes na magiging buo lang ang kanilang team kung makakarating ng mas maaga ang kanilang mga manlalaro.
Nabatid na haharapin ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 10 na gaganapin sa November 10 hanggang 13 sa Middle East.