Nagsimula na ang training ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na tutulong para sa contact tracing efforts ng pamahalaan.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac, nasa 90 mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nakilahok sa training program.
Aniya, ang initial training ay pinangungunahan ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Sinabi ni Banac, oras na matapos ang training ng mga nabanggit na PNP personnel, sila naman ang mangunguna para sa pagsasanay ng mga local police members sa kani-kanilang rehiyon.
Samantala, binigyang diin naman ni banac na pinangungunahan pa rin ang contact tracing operation ng mga local government units at health officials at tanging pagbibigay ng suporta lamang ang papel ng pulisya.