Nananawagan ang mga Pharmacist ng Drugstores Association of the Philippines (DSAP) na magsagawa ng training bago ang pag-arangkada ng pilot vaccination kontra COVID-19 sa mga botika.
Ayon kay DSAP Chairman of the Board Jovelun Blancaflor, wala pang nabibigyan ng training sa kanilang mga Pharmacist.
Aniya, bagama’t nakakatuwang ikinokonsidera ng gobyerno na gawing vaccination site ang mga botika ay hindi pa sila handa na magbakuna sa publiko.
Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pitong botika pa lamang ang kasali sa inisyal na booster vaccine rollout ngayong araw at bukas.
Samantala, tiniyak naman ni Testing Czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon na palalawakin pa ang pagbabakuna sa mga botika at ilang klinika sa bansa sa mga susunod na linggo. —sa panulat ni Mara Valle