Nagsimula na ngayong araw na ito ang training ng ikalawang batch ng mga bagitong kongresista sa 18th Congress.
30 neophyte congressmen ang sumasailalim sa executive course on legislation.
Kabilang dito si Camille Villar na kinatawan ng Las Piñas City, Northern Samar Congressman Paul Daza, Quezon City Congressman Anthony Peter Crisologo, Iloilo Congressman Braeden John Biron, Aurora Congressman Rommel Angara at mga kinatawan ng ACTS CIS Partylist na sina Niña Taduran at Jocelyn Tulfo.
Ang nasabing training ay pinangangasiwaan ng Kamara katuwang ang UP Center for Policy and Executive Development at National College of Public Administration and Governance.
Ang orientation sa ikalawang batch ng neophyte congressmen ay tatagal hanggang sa Miyerkules.
(with report from Jill Resontoc)