Ipinagpaliban muna pansamantala ng pamunuan ng Philippine Football Federation (PFF) ang pag-eensayo ng Philippine football league clubs.
Ang desisyon ng PFF ay bunsod ng muling pagsasailalim ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Kasunod nito, ayon sa PFF, gaganapin na lamang ang kanilang training sessions sa ikatlong linggo ng Agosto sa national training center nito sa Cavite.
Samantala, sa panig naman ng Philippine Basketball Association (PBA), ipagpapaliban din nito ang pagsisimula ng kanilang training sessions sa Agosto 6 sa halip ay sisimulan nalang sa Agosto 10 dahil din sa pagpapanumbalik ng muling pag-iral ng mahigpit na community quarantine.