Gumawa ng mga “mock up” ang Tsina na hugis US navy aircraft carrier at iba pang mga barkong pandigma ng US na posibleng gamitin nito bilang training targets.
Ayon sa pinakahuling taung ulat ng Pentagon sa militar ng China, ang People’s Liberation Army Rocket Force (PLARF) ay nagsagawa ng una nitong nakumpirmang live-fire launch sa South China Sea noong Hulyo 2020, na umatake ng 6 na DF-21 anti-ship ballistic missiles sa North Spratly Islands.
Ang mga anti-ship missile program ng China ay pinangangasiwaan ng People’s Liberation Army Rocket Force (PLARF).
Matatandaang sinabi ni U.S Secretary of the State Antony Blinken, na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang Pilipinas kung umatake ito sa South China Sea at binalaan ang Tsina na itigil ang “provocative behaviour” nito. —sa panulat ni Joana Luna