Sumailalim na ang unang trainset ng rolling stock contract ng PNR Clark Phase 1 sa Factor Acceptance Tests (FATS) sa japan.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTR), maaari nang maisalang sa beripikasyon ang mga bagong trainset kung nakasunod ito sa international standards tulad ng International Organization of Standardization (ISO) at Japanese Industrial Standards (JIS).
Ipinabatid pa ng DOTR na makatutulong ang FATS para malaman kung gumagana nang maayos ang tren bago ito ipadala sa Pilipinas.
Samantala, nakatakda namang ipadala ang nasabing trainset ngayong buwan ng Oktubre mula sa Yokohama Port at darating ito sa Malanday Depot sa unang linggo ng Disyembre.