Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil ang lahat ng transaksyon ng gobyerno sa Philippine Red Cross.
Kasunod na rin ito ng panibagong pambubukas ng Pangulo kay PRC chair, Senador Richard Gordon sa pangunguna sa imbestigasyon hinggil sa umano’y overpriced COVID-19 medical supplies.
Tinawag pang buang ng Pangulo si Gordon na aniya’y malalim na ang kanilang away.
Sinabi ng Pangulo na susulatan niya ang prc para buksan ang record nito at hihilingin mismo kay COA Chair Michael Aguinaldo na iaudit ang pondong ibinibigay ng gobyerno sa red cross.
Kung hindi papayag si Gordon, binigyang-diin ng Pangulo na ititigil na niya ang anumang transaksyon ng gobyerno sa PRC at wala siyang pakialam dito dahil alam niyang nasa katuwiran siya.