Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng may mga transaksyon sa kagawaran sa buong bansa na suspendido ang pagkuha ng pasaporte, gayundin ang pag-renew nito sa Lunes.
Ito ay matapos na magpalabas ng Presidential Proclamation No. 1357 kung saan idineklara na holiday ang ang May 9 na may kaugnayan sa 2022 National and Local Election bilang Special Non-Working Holiday.
Samantala, sinabi ng DFA na bumalik na lamang ang mga indibidwal na may transaksyon sa ibang araw bilang mga walk-in applicants. - ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)