Nakatakdang ilabas ng Senado ang transcript ng kanilang isinagawang Executive Session kasama si John Paul Solano , ang itinuturong pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Atio Castillo.
Ito ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri ay kapag mabigo ulit si Solano na magsumite ng kanyang sworn affidavit sa Lunes sa susunod na linggo.
Giit ni Zubiri , nagsinungaling si Solano nang sabihin nito na kanyang isusumite ang kanyang sworn affidavit sa preliminary investigation ng DOJ o Department of Justice pero hanggang sa ngayong ay wala pa rin.
Matatandaang pinangalanan ni Solano sa executive session ang pitong indibidwal na umano’y responsable sa pagkamatay ni Atio.