Epektibo na ang ikinasang transgender ban sa mga pumapasok sa hanay ng militar sa Estados Unidos.
Ayon sa Department of Defense ng Amerika, nais lamang nilang mapanatili ang magandang imahe ng US Military.
Ang pagkakaroon aniya ng mataas na standard sa puwersa ng militar ay malaking aspeto para makamit ang epektibong kahandaan at pakikibaglaban sa anumang kahaharaping giyera.
Gayunman, paglilinaw ng Department of Defense, ang naturang ban ay hindi ipatutupad sa lahat ngunit marami silang hindi tatanggapin sa mga magpapalista sa kanilang pwersa.
Samantala, inalmahan naman ang nabanggit na ban ng ilang miyembro ng LGBTQ community.