Tatanggalin na ni President-Elect Donald Trump ang halos 15,000 transgender sa US Military.
Binigyang-diin ni US President Trump na wala siyang ititirang transgender sa kanyang pwersang militar kahit matagal na ito serbisyo, mataas man o mababa ang ranggo.
Batay sa inilabas na executive order epektibo ang nasabing kautusan sa January 20, 2025 sa araw ng kanyang pag-upo sa pwesto sa White House.
Matatandaang una na itong ipinatupad ni Trump sa kanyang unang termino noong 2019 subalit binago ang naturang patakaran ng pumalit sa kanya si dating president Joe Biden.
Nakatakda rin ang malawakang hakbang sa immigration o pagpapa-deport sa lahat ng mga iligal na naninirahan sa Estados Unidos. – Sa panulat ni Jeraline Doinog