Maku – kumpleto na sa susunod na buwan ang 500 transitional shelters para sa mga residente ng Marawi City na naapektuhan ng bakbakan ng gobyerno at grupong Maute.
Ayon ito kay Housing Czar Eduardo Del Rosario na nagsabing posibleng maging 600 pa hanggang 700 ang posibleng matapos na transitional shelters, depende sa panahon sa lugar.
Tiniyak ni Del Rosario, pinuno ng Task Force Bangon Marawi na makukumpleto nila ang mahigit 1,000 shelters sa unang quarter ng 2018.
Ang naturang transitional shelter aniya na uubrang gamitin ng dalawa hanggang tatlong taon ay may sukat na 22 square meters at may suplay na ng tubig at kuryente.