Ang Transmission ng Avian Influenza sa tao ay sobrang bihira.
Ito ang pahayag ni Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante matapos na maitala sa China ang first known human case ng h3n8 strain ng bird flu.
Aniya, ang mga nagtatrabaho sa mga poultry na mayroong nagkasakit na mga manok na may kaso ng Avian virus ang puwedeng mahawaan.
Nagbabala naman ang eksperto na mayroong mga strain ng avian influenza ang posibleng magdulot ng severe infection sa tao.
Samantala, nanawagan si Solante sa mga poultry growers ng agarang lunas kung makaranas ang mga ito ng sintomas ng Avian influenza tulad ng lagnat, ubo at pananakit ng kalamnan. -sa panulat ni Airiam Sancho