Talamak na ang tinatawag na transnational crimes sa Timog Silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas.
Ito ang babala ng United Nations o UN kasabay ng pagsisiwalat na ang illegal trade ay umaabot na sa mahigit 100 bilyong dolyar ang halaga na mas mataas kumpara sa pinagsamang gross domestic product o GDP ng Myanmar, Laos at Cambodia.
Kasama sa mga nakahanay bilang transnational crimes ay ang human smuggling, drug trafficking, at smuggling ng iba’t ibang produkto.
Giit ng UN, maging ang illegal exportation ng timber o troso ay lumalala na rin bunsod ng umano’y mahinang regulasyon at monitoring ng lehitimong wood trade.
Ayon pa sa UN, ang drug production at smuggling ay lumalago na lalo na sa Myanmar na nananatiling second largest heroin producer sa mundo kasunod ng Afghanistan.
By Jelbert Perdez