Mas magiging malawak na ang maabot ng mga Pilipino sa magandang kalidad ng edukasyon.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa access ng Transnational Higher Education programs na itatag ng gobyerno.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11448, tinukoy ito bilang mga uri ng Distance Education o Study-abroad programs at iba pang kahalintulad na programa.
Pinahihintulutan nito ang tinatawag na academic franchising kung saan maaaring makapasok ang isang institusyon mula sa ibang bansa na gamitin ang kanilang programa sa isang paaralan dito sa Pilipinas.
Hinihikayat din ng nasabing batas ang pagkakaroon ng international branch campus o online at distance learning program.
Kaugnay nito, inatasan ang Comission on Higher Education (CHEd) na bumuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para dito.