Transparency at accountability..
Ito ang kailangan ayon sa Overseas Filipino Advocate at batikang Brodkaster na si Rey Langit upang hindi na madagdagan pa ang mga Pilipinong binibitay sa ibayong dagat.
Ginawa ni Langit ang pahayag bilang pakikiramay sa Pamilya ng binitay na OFW sa Saudi Arabia na si Joselito Zapanta
Aniya, ang pagbitay kay Zapanta ay maituturing na pinakamadilim na araw para sa mga migranteng Pilipino
Inalala rin ni Langit ang ginawang pagbitay noon sa overseas contract worker na si Flor Contemplacion sa Singapore dahil sa pagpatay naman umano sa kapwa Pilipinong si Delia maga gayundin sa alaga nitong Singaporean National.
Ito aniya ang dahilan kung bakit niya inilapit noon kay dating Pangulong Fidel Ramos ang pagiimbentaryo sa mga kaso ng mga pinoy sa ibayong dagat at pagsasagawa ng live broadcast para kumustahin ang mga OFW’s.
Unang inilunsad ni langit ang ilang palatuntunan sa telebisyon at radyo na laan sa mga OFW tulad ng to Saudi with love at Kasangga Mo ang Langit na kapwa napakinggan dito sa DWIZ 882.
By: Jaymark Dagala