May panawagan ang isang cause-oriented group sa mga botante.
Ayon sa grupong FATE o Filipino Alliance for transparency and Empowerment, huwag sanang magpapadala ang mga botante sa mga pulitikong nangunguna sa mga surveys o kaya sa popularidad ng mga ito.
Mayroon anilang ilang kandidato na gumagastos ng milyun-milyon para lamang makapwesto sa mga pre-election survey.
Binatikos din ni Fate President Jennifer Casto ang mga tumatakbo sa national post na nagtatangkang suhulan ang mga botante.
Dahil dito, umapela si Castro sa mga botante na maging mapanuri at matalino sa pagpili ng iboboting kandito.
Higit sa lahat, ayon kay Castro, huwag magpadala sa kapangyarihan ng salapi.
By: Meann Tanbio