Sumisigaw ng katarungan ang mga biktima ng mga karumal dumal na krimen.
Kasunod na rin ito nang nabunyag na pagpapalaya sa ilang akusado sa ‘heinous crimes’ kabilang ang mga nasa likod nang pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa Chiong sisters bukod pa sa nakatakdang pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Sinabi sa DWIZ ni Arsenio Boy Evangelista, pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na transparency ang hiling nila lalo’t nalaman nilang hindi man lamang na-advise ang pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez sa nakabinbin pagpapalaya kay Sanchez.
How can we access? Sinong ang pwedeng matawagan? I-dedeny ka naman nila (BuCor) kasi ine-envoke nila ang privacy ng mga convict,” ani Evangelista.
Isa aniyang malaking bangungot sa kanilang mga biktima ang nangyayari ngayon sa Bureau of Corrections (BuCor)
Ipinabatid ni Evangelista na naluha siya habang nagsasalita si Ginang Maria Clara Sarmenta (Ina ni Eileen Sarmenta) sa tindi ng dalamhati na dinanas din niya nang mapatay at sinunog pa ang kaniyang anak. Nais na aniya nilang bumalik sa normal ang kanilang mga buhay subalit nauungkat pa ang sugat sa ganitong mga pangyayari.
Tumulo ang luha ko habang nagsasalita si Ginang Sarmenta kasi I feel her. We want our lives back, pero ang hirap maibalik lalo na’t ngayon nananariwa ang sugat,” ani Evangelista.
(Ratsada Balita interview)