Ikinatutuwa ng World Health Organization (WHO) ang pagiging transparent ng China kaugnay sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng WHO sa bansa, mahalaga ang mga detalyeng ibinibigay ng China hinggil sa sakit.
Ito aniya kasi ay makatutulong para makagawa ang ibang health authorities sa ibang bansa ng mga hakbang para maiwasan pa ang pagkalat ng sakit.
Dagdag pa ni Abeyasinghe, mas mainam ngayon na bigyan ng pansin ang recovery rate ng mga pasyenteng naapektuhan ng COVID-19.