Humiling ng transparency sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang grupong riles network kaugnay sa naging resulta ng imbestigasyon hinggil sa naganap na salpukan ng mga tren ng LRT 2 nuong Sabado kung saan nasa tatlumpung pasahero ang sugatan.
Ayon kay Sammy Malunes, tagapagsalita ng Riles Network inaasahan na nilang gagawa ng scapegoat ang LRTA o sacrificial lamb niti sa nangyaring insidente.
Hindi na rin aniya sila magugulat kung ituturo ang isang train operator kung bakit sumalpol ang dead train sa isang active train.
Ngunit iginiit ni Malunes na dapat mayroong command responsibility at transparency ang LRTA lalo’t kaligtasan ng mga pasahero ang pinag-uusapan.