Umapela si Marikina City Mayor sa pamahalaan na maging transparent sa mga taong bibigyan nito ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y matapos mapaulat na nabakunahan na ng Coronavax ang ilang mga personalidad na wala naman sa prioritylist ng mga dapat bigyan nito
Magugunitang dalawang beses tinanggihan ng national immunization technical advisory group ang kahilingan ni Teodoro na maisailalim sa pagbabakuna ng Coronavax at Astrazeneca upang mai-angat ang kumpiyansa ng kaniyang mga nasasakupan sa pagbabakuna.
Kabilang sa mga personalidad na una nang napa-ulat na nabakunahan na kontra COVID-19 si House Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan, special envoy to China Ramon Tulfo at ilan pang miyembro ng gabinete.
Ang totoo Jaymark ang sinasagot ko ngang ilang katanungan bakit hindi tayo pinayagan tapos nababalita na merong ibang mga opisyal na nababakunahan. Ako nga ang sinasabi ko sa NTAG dapat merong consistency at fair treatment sa mga policy natin. Ang isa pang mahalaga palagay ko yung transparency rin.Ito mga bakuna hinihingi ng mga tao ang impormasyon kung saan ina-allocate at saan dinadala dahil mahalaga ang bakuna at inaasahan ng lahat,″ wika ni Mayor Marcy Teodoro
Bagama’t suportado ng Alkalde na dapat maunang bigyan ng bakuna ang mga medical frontliner subalit karapatan naman ng publiko na malaman kung maayos nga bang naipamamahagi ang mga bakuna kontra COVID-19.
Kinikila natin na dapat mauna ang mga medical frontliners, gusto lang makibalita at malaman ng ating mga kababayan, ano na nga ba ang nangyayari sa mga pagbabakuna sa mga medical frontliners natin, ilan na ang nabakunahan at may sapat pa bang suplay ng bakuna. Lalo na kapag dumadating ang bakuna mahalaga rin siguro na naipapaalam kung paano ang distribution at allocation nito,″ ani Mayor Teodoro.