Nakatakda nang itigil ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang transportation at accommodation assistance para sa mga returning Overseas Filipinos Worker (OFW).
Batay sa advisory ng OWWA sa kanilang official Facebook page, suspendido na ang transpo at accommodation assistance sa Hunyo a – uno, sa ilalim ng alert level 1.
Sa kabila nito, tuloy ang pagbibigay ng nasabing assistance sa mga distressed OFW na sertipikado ng Philippine Overseas Labor Offices o in-evaluate ng OWWA Airport Officers; at mga babalik sa bansa sa pamamagitan ng government-initiated mass repatriation flights.
Sasagutin pa rin ng DOLE at OWWA ang accomodation ng mga partially vaccinated o unvaccinated ofw na kailangang isailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Gayunman, hindi na sasagutin ng gobyerno ang pamasahe ng mga OFW na pauwi sa kanilang mga probinsya kaya’t ititigil na rin sa june 1 ang OWWA-chartered bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at OWWA-sweeper flights sa NAIA Terminal 2.