Kapwa lumagda sa isang Memorandum Agreement ang Land Transportation Office o LTO at ang iba’t ibang transport group.
Ito’y para ilunsad ang paggamit ng solar powered vehicle bilang alternatibong sasakyan sa bansa na hindi na gumagamit ng diesel o gasolina.
Ayon kay Liga ng Tranportasyon at Operators sa Pilipinas President Orlando Marquez, maliban sa matipid na kosumo, maliit lamang din ang gastos para sa maintenance nito.
Idinesenyo ng Australianong si Jacob Miamon ang solar electric vehicle na may iba’t ibang uri tulad ng jeepney, tricycle, bus at motorsiklo na malaki umano ang maitutulong sa kalikasan dahil wala itong noise at air pollution.
By: Jaymark Dagala