Pinadaragdagan pa ng isang transport group ang pasahe sa mga jeepney dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis.
Ito ay matapos sabihin ng isang oil industry na posibleng tumaas ng P6 hanggang sa P6.30 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel sa susunod na linggo.
Gayunman, sinabi ni Obet Martin, National President ng PASANG MASDA na kung bibigyan sila ng gobyerno ng fuel subsidy ay hindi na kailangang ihain ang pormal na petisyon para sa pagtaas ng pasahe.
Sa ngayon, hindi pa naaaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) petisyon dahil sa kawalang pondo. —sa panulat ni Jenn Patrolla