Nananatiling mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo para sa mga ordinaryong tsuper at consumer sa kabila ng inilargang rollback noong Martes.
Ayon sa transport group na PISTON, kapiranggot lamang ang ipinatupad na tapyas-presyo ng mga kumpanya ng langis kumpara sa magkasunod na price hike noong nakalipas na dalawang linggo.
Kahit anila dalawang beses nang itinaas ang pasahe sa jeepney ay hindi pa rin sapat ang kinikita ng mga tsuper sa gitna nang nagmamahalang bilihin, lalo ng pagkain.
Dahil dito, iginiit ng PISTON ang agarang pagsuspinde sa Fuel Excise Tax at VAT maging ang pagpasa sa Oil Regulation Bills na naka-tengga sa kongreso bilang solusyon.