Nanawagan sa pamahalaan ang ibat-ibang transport group upang ipatigil ang implementasyon ng terminal exchange scheme.
Sa pahayag ni National Public Transport Coalition, National Convenor Ariel Lim, ang naturang implementasyon ay lalo lang magpapahirap sa mga operators, drivers at mga pasahero kung hindi ito idadaan sa tamang proseso.
Sa ilalim kasi ng terminal exchanges scheme ang mga pasaherong mula sa Central at Northern Luzon ay hanggang Philippine Sports Arena sa Bocaue, Bulacan na lamang o sa Valenzuela City Gateway Terminal at hindi na sila papayagang makapasok sa Metro Manila.
Habang ang mga pasahero naman mula Mindanao, Visayas At Southern Luzon ay hanggang SM Sta. Rosa sa Laguna o sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Paranaque City na lang.
Nabatid na halos 50,000 drivers, mga konduktor at support staff ng nagkaisang samahan ng mga nangangasiwa ng panlalawigang bus sa Pilipinas Inc. Ang nawalan ng trabaho bunsod ng naturang implementasyon.
Ayon kay Lim, dadalhin nila ang usapin sa senado at kamara upang pagpaliwanagin ang Department Of Transportation (DOTR), Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). —sa panulat ni Angelica Doctolero