Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory board o L.T.F.R.B. ang mga transport group hinggil sa hirit nilang dalawang Pisong dagdag pasahe sa jeep sa Metro Manila, Central at Southern Luzon.
Magugunitang ibinasura ng L.T.F.R.B. ang hiling na fare increase ng FEJODAP, ACTO, LTOP, ALTODAP at Pasang Masda sa halip ay pinagsusumite ang mga naturang transport group ng mga supporting document sa kanilang petisyon.
Ayon kay L.T.F.R.B. board member at spokesperson, Atty. Aileen Lizada, pag-aaralan muna nila ang petisyon lalo’t may malaki itong epekto sa mga commuter.
Dapat anyang tukuyin ng mga transport group ang kanilang naging batayan upang itaas sa Sampung Piso ang pasahe sa jeep sa kabila ng jeepney modernization ng Department of Transportation.
Binigyang diin ni Lizada na dapat munang magbigay daan sa modernisasyon at ayusin ng mga transport group ang kanilang kabuuang serbisyo bago humingi ng fare increase.