Umapela ng agarang aksyon ang isang transport group sa pamahalaan gayong patuloy ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ricardo “Boy” Rebaño, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), na malaking tulong na sa mga tsuper ang pisong dagdag-singil sa pasahe.
Giit pa ni Rebaño, huwag na sanang patagalin ng pamahalaan ang kanilang desisyon hinggil dito.
Bukas ay ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang panibagong oil price hike, na itinuturing na pinakamalaki sa mga nakalipas na taon.
Sinabi pa ni Rebaño na nasa mga tsuper na ang desisyon kung sila’y magpapatuloy sa pamamasada.