Muling binalaan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney driver at operator na lalahok sa malawakan umanong tigil-pasada na posibleng ilunsad ngayong buwan.
Ayon sa DOTr at LTFRB, maaaring parusahan tulad ng pagkansela sa prangkisa ang mga operator at driver na lalahok sa transport strike bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang ibinibigay anilang prangkisa ay isang pribilehiyo at responsibilidad sa publiko kaya’t hindi dapat maabala ang mga mananakay.
Samantala, bukas naman ang dalawang ahensya na makipag-dayalogo sa mga transport group.
—-