Umapela ang mga transport groups para sa dagdag na subsidiya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Nanawagan si Pasang Masda President Obet Martin para sa karagdagang fuel subsidy hanggang Disyembre, sakaling may matira pang pondo ang Department of Transportation (DOTr).
Kinwestiyon naman ng grupo ang pagpapalawig ng DOTr sa Libreng Sakay Program ngunit bigong magbigayn ng karagdagang tulong para sa mga jeepney drivers.
Matatandaang naghain ng petisyon ang mga transport groups kabilang ang Pasang Masda, The Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) para sa karagdagang piso hanggang dalawang pisong singil sa pamasahe tuwing rush hour.
Ito ay para matulungan ang mga tsuper na maibsan ang kanilang pasanin dala ng patuloy na epekto ng patuloy na pagtaas na presyo ng langis. —sa panulat ni Hannah Oledan