Pumayag na ang mga transport group na ibaba sa P10 ang hirit nilang minimum na pasahe sa jeep sa halip na P12.
Ito’y matapos mapagaalaman ang pag-aangkat ng gobyerno ng mas murang diesel mula sa Singapore.
Ayon kay Zeny Maranan, pangulo ng FEJODAP, kaya nilang gawing sampung piso na lang ang inihihirit na minimum fare, basta’t tuparin lang aniya ng Department of Energy (DOE) na mababawasan ng P6 hanggang P10 ang presyo ng krudo.
Apela naman ng grupong MASDA, bagama’t sila ay pumayag sa P10 na minimum na pasahe, dapat pa rin umanong i-monitor ng DOE ang mga kumpaniya ng langis na sobra kung magdagdag sa presyo ng diesel.
Una rito, inihirit ng mga transport group na gawaing P12 ang minimum na pasahe dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.