Umarangkada na ngayong araw ang transport holiday o tigil pasada ng transport group na Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO.
Ito’y upang tutulan ang plano ng pamahalaan na i-phase out na ang mga pampasaherong jeep na mahigit 15 taon nang pumapasada.
Ayon kay ACTO National President Efren de Luna, dapat magsagawa muna ng pagpupulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga tsuper at operator hinggil sa naturang plano.
Bagama’t hindi naman sila tutol sa modernisasyon, sinabi ni de Luna na dapat linawin ng LTFRB ang mga pamantayan sa pagpe-phase out ng mga lumang jeepney.
Maliban sa pagtutol, ipinananawagan din ng grupo ang pagbibitiw ni LTFRB Chairman Winston Ginez at LTO Chairman Alfonso Tan dahil sila umano ang mga arkitekto ng mga polisiyang kontra sa mahihirap.
By Jaymark Dagala