Binatikos ni Senador Loren Legarda ang Department of Transportation partikular ang Manila International Airport Authority at Civil Aviation Authority of the Philippines.
Ito’y matapos ang makupad umanong pagtugon sa pagkapilay ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport matapos ang pagsasara ng main runway bunsod ng pagsadsad ng isang Chinese passenger aircraft, noong Biyernes.
Ayon kay Legarda, umasa ang publiko sa magandang serbisyo ng mga opisyal ng DOTr at NAIA.
Napaka-inefficent, isa lang naaligid na eroplano, nagulo na buong airport. So dapat meron silang plan A and plan B, anong gagawin dapat ready na sana. We expect better service of NAIA and the DOTr as well. Pahayag ni Legarda
May hamon naman si Senador Legarda sa mga transport official.
They have to shape off kasi ang transport ang isa sa mga pinakamahalaga eh. Mabilis dapat ang pag-implement ng services. Paliwanag ni Recto
Samantala, inihayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na dapat nang magdesisyon ang gobyerno kung ano plano nito sa NAIA.
Matagal na, may wake up call na tayo diyan diba? I think government should decide immediately what to do with NAIA, should we have a second runway? Halimbawa, it could be one in Bulacan or Clark. Pahayag ni Recto
Hindi naman din anya masisisi ang publiko lalo ang mga airline passenger na batikusin ang kakulangan sa pagpaplano ng DOTr.