Hindi gaanong naramdaman ng mga pasahero sa lungsod ng Maynila ang inilunsad na tigil-pasada ng mga transport group na Piston at Stop and Go Coalition, kahapon.
Ayon sa MMDA o Metropolitan Manila Development Authority, batay sa kanilang monitoring ay tanging sa Pedro Gil Street at Santa naging madalang ang pagpasada ng mga jeep kaya’t nagpadala agad sila ng mga bus para sa libreng sakay ng mga stranded commuter.
Nakapag-serbisyo rin ang MMDA sa iba pang ahensya ng gobyerno maging sa mahigit 400 pasahero.
Bagaman hindi masyadong naapektuhan ng transport strike, marami naman ang natagalan bago makasakay sa mga public utility vehicle dahil sa malakas na ulan.
Ulat ni Aya Yupangco
SMW: RPE