Kasado na ang dalawang araw na transport strike ng mga jeepney operator at driver sa lalawigan ng Negros Occidental.
Ito’y upang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa walang prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at bilang panawagan na suspendihin ang 12% value-added tax sa krudo.
Aarangkada ang tigil-pasada na tinaguriang people’s holiday, alas tres ng madaling araw sa Marso a-21 hanggang alas tres ng hapon kinabukasan, Marso a-22.
Pangungunahan ang naturang aktibidad ng United Negros drivers and operators kasama ang sentrong samahan ng mga tsuper at operators Negros and Federation of Bacolod Drivers Association.