Nanawagan ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na makipag-usap sa kanila hinggil sa isyu ng pagbabawal sa mga UV Express sa EDSA.
Ayon kay LTOP President “Ka Lando” Marquez, walang public consultation ang pagbabawal ng mga UV Express sa EDSA.
Hindi rin aniya nabigyan ng notice ang mga pasahero na wala na silang masasakyang UV Express sa EDSA.
Sinabi ni Marquez na naaawa sila sa mga commuters na walang masakyan at naghahanap ng mga UV Express sa EDSA.
Bahagi ng pahayag ni Liga President Ka Lando Marquez
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas