Itinanggi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na pinilit niyang magbitiw sa puwesto si Undersecretary for Rails Cesar Chavez.
Ayon kay Tugade maayos ang relasyon nila ni Chavez at hanggang nuong Miyerkules ay magkasama pa sila sa mga pulong kaugnay sa pagsasaayos ng ilang problema sa MRT 3.
Sinabi ni Tugade na na sorpresa siya sa ginawang resignation ni Chavez.