Tiwala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na hindi mapaparalisa ang transportasyon ng dalawang araw na malawakang tigil pasada ng mga transport group simula bukas a disi sais ng Oktubre hanggang sa Martes.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, batay sa kanilang isinagawang monitoring sa mga rehiyon, hindi makikiisa sa ikinakasang tigil pasada ang mga jeepney drivers sa ilang mga lalawigan.
Bukod dito, hindi rin aniya sasama ang iba pang mga transport group tulad ng Stop and Go, ACTO, FEJODAP at Pasang Masda.
Dagdag pa ni Lizada, batay sa track record ng nakaraang tigil pasada na isinagawa ng PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide, wala pa aniya sa isang porsyento ang epekto nito sa transportasyon.
Gayunman tiniyak ni Lizada na nakahanda pa rin ang pamahalaan para tugunan ang mga pangangailangan ng mga mananakay.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada