Dapat ng bilisan ang modernisasyon ng transportation system sa bansa.
Ito ang inihayag ni Senator JV Ejercito makaraang igiit na higit tatlong dekada ng nagpag iiwanan ang ating transportation system ng mga kalapit bansa sa southeast asia.
Giit ni Ejercito malayo pa mula sa ideal ang transportation modernization at infrastructure development sa bansa.
Sa halip kasi anya na 5 % ng ating Gross Domestic Product ang i-invest sa transportation modernization at infrastructure development sinabi Ejercito na 2% lang ang ini-invest dito
Ayon sa Senador ang pagpapahusay sa ating transportation systems, lalo na sa railways, ang makatutulong sa pagpapasigla at pagbangon ng ating ekonomiya.