Tila naging sacrificial lamb si Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez na una nang nagbitiw sa posisyon.
Paniniwala ito ni Akbayan Partylist Representative Tom Villarin para aniya mapahupa ang galit ng sambayanan sa gitna nang palpak na operasyon ng Metro Rail Transits o MRT-3.
Sinabi ni Villarin na ang resignation ni Chavez ay matagal nang napagpasyahan ng administrasyon subalit ngayon lamang inilabas sa publiko.
Ayon kay Villarin kabilang sa mga pangako ng Pangulo noong eleksyon ang paglutas sa problema sa MRT na bigo nitong matupad kaya’t isinakripisyo ang isang matinong opisyal na tulad ni Chavez.
Saludo naman si Ifugao Congressman Teddy Baguilat kay Chavez na ang resignation ay katumbas ng personal accountability taliwas sa iba na ang ginagawa ay sisihin ang nakalipas na administrasyon.
—-