Inaasahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naranasang mabigat na daloy ng trapiko sa unang araw ng toll implementation sa Skyway Stage 3.
Ayon kay MMDA Chief Bong Nebrija, maituturing aniya itong “birth pains” dahil sa pagbabagong nangyari sa unang araw ng paniningil ng toll fee sa Skyway Stage 3.
Gayunman, umaasa si Nebrija na magiging maayos din ang lahat sa pagdaan ng mga araw.
Ilan aniya sa mga dahilan kaya’t naranasan ang mabigat na daloy ng trapiko ay dahil ilang motorista ang walang RFID stickers o walang load na kailangan pa rin i-accommodate dahil walang u-turn slot ang naturang toll plaza.