Tinitignan bilang isa sa pinakamalaking hamon na haharapin sa kasagsagan ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa bansa ay ang trapiko.
Ayon kay House Speaker alan Peter Cayetano, inaasahan na nila ang mas mabigat na daloy ng trapiko partikular na sa Metro Manila.
Aniya, karamihan sa higit 50 sporting event ay gaganapin sa mga sport venues and facilities sa loob ng Metro Manila.
Kabilang dito ang Makati Coliseum, Starmall EDSA, Filoil Flying V Center, Manila Hotel Tent, PICC Forum, Rizal Memorial Sports Complex, Mall of Asia Arena, SM Mall of Asia skating rink, SM Megamall ice rink, World Trade Center and Philsports Arena.
Dahil dito ay inabisuhan na ang mga motorista na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar habang ginaganap ang SEA Games sa bansa.