Isinisi ni Transportation Assistant Secretary Mark De Leon sa mga luma at kakarag-karag na mga pampublikong sasakyan ang paglala ng trapiko sa kalakhang Maynila dahilan ng pagdoble ng halagang nawawala o nalulugi sa ekonomiya ng Pilipinas.
Inihayag ni De Leon sa pagdinig ng Senado hinggil sa PUV modernization program ng pamahalaan ang ang lumabas na pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA kung saan ngayong taon ay mas mataas ng 1.7 bilyong pisong lugi ng bansa kumpara sa inilabas na datos noong 2014.
Ibinabala rin umano ng JICA na posibleng sa taong 2030 ay maaaring malugi ang Pilipinas ng 6 bilyong piso nang dahil lamang sa matinding trapik na nararanasan araw-araw.
Giit ng opisyal, ang PUV modernization ang kanilang nakikitang solusyon dito kung saan naglalayon din bigyan ng kumportable at ligtas na mass transportation ang publiko.
—-